Saturday, October 2, 2010

ang kapatid kong si rico

Yun nakabilog ay ang kapatid ko,ang pangalan niya ay rico.Siya ang bunso namin.Ngayon araw na ito ay alam kong masaya siya at ang gusto niya ay maging magaling na soccer player balang araw.

Makulit na bata yan,minsan hindi sumusunod sakin kapag inuutusan ko,minsan din bastos yan sumasagot sa akin at maging sa nanay ko.Pero simula ng sumali siya sa paglalaro ng soccer ay hindi na siya nangangalakal ng basura pag-uwi niya galing eskuwela sa tapat ng init ng araw bagkus ay lalong umiitim siya dahil sa pagpapraktis ng soccer ngayon kaysa pangangalakal ng basura.at unti-unti na rin nagbabago ang ugali niya.

Kahapon sa dami-dami ng ka-miyembro niya ay siya ang napiling inerterview ng mediang taga channel 5 sa palabas na AKO MISMO. at ng umuwi na siya ay kasama niya ang mga media para interviewhin naman ang nanay namin tungkol sa kapatid kong si rico,tungkol sa mga ugali niya.Umakyat muna kami ng kuya ko sa taas namin at nanonod din kami sa interview ng nanay namin,medyo may pagkabingi pa naman yun nanay namin at paulit-ulit ang tanong sa kanya kasi di niya marinig.

At ng natapos na ang interview ay pinababa kami ng kuya ko kasi para kunan habang nanonood kami ng t.v.,nakakahiya nga kasi makalat ang bahay namin at ipapalabas pa ito sa channel 5 ng AKO MISMO.at habang kinukuhanan kami ay natatawa ako, sa isip nga lang kasi puro siryoso kaming lahat habang nanonood at meron pang mga bata na pumasok sa bahay namin at marami rin nasa labas na nanonood.

Ang pangarap ng kapatid ko ay maging pulis peo ang sabi ko naman sa kanya ay mag-enggineer ka na lang pero ano ba ang magagawa ko yun ang gusto niya,bilang kuya ay susuportahan ko siya sa gusto niya pero malayo pa naman eh.at least ay alam niya ang gusto niya kunin. at hindi lang yun gusto niya rin maging magaling na soccer player.

Friday, September 3, 2010

Pinagbibitangan ang aking ina at aking kuya

Sept. 1,miyerkules ng umaga ay hindi pa rin tumitila ang ulan bagkus tuloy-tuloy pa ito.Sa pagpasok ko ng school ay kasabay ko sa jeep ang aking ina dahil magbabayad siya ng bill namin sa meralco at baka maputulang na kami.At ng nasa divisoria na kami ay naghiwalay na kami ng dinadaanan siya ay papunta na sa meralco at ako naman ay sasakay ulit ng isa pang jeep papuntang nagtahan.

Naging nakakainis, masaya at malungkot ang araw ko sa school, nainis ako kasi ang aga-aga kong pumasok dahil p.e namin at maulan pa nun, gusto ko pa naman ang p.e namin kasi arnis, gusto kong matutunan ang arnis noon una ayoko nito pero nung turuan na kami ay nagustuhan ko at masaya pala ito, pero wala ang proffesor namin dalawang oras na kaming naghihintay sa kanya.Badtrip talaga ako nung dahil 8 pm pa ako makakauwi dahil may dalawa pa akong subject, tig-aapat na oras.


Pero ganun pa man ay masaya ako pa rin ako dahil nag-iimprove na ako sa pagrerendering ko sa subject na visual techniques 3 sabing proffesor ko dahil dati ay pangit akong magrender eh,ang nakakalungkot nga lang ay ubos na ang skecthpad ko at paubos na rin ang water color ko.At nang 8 pm na ay hindi pa tapos ang plate namin pero ang sabi ng prof. namin ay ipagpapatuloy na lang next meeting at nag-uwiang na kami.


Isang oras ang biyahe bago ako makauwi ng bahay,di pa tumitigil ang ulan nung at ng makarating ako ng bahay namin ay may nangyari palang hindi maganda hindi ko alam ang buong katotohanan o hindi ko nakita ang buong pangyayari pero ang kwento sa aking ng nanay ko ay dumating ang kuya ko sa bahay ng magtatanghali para kumain at matulog dahil galing sa kanyang trabaho.

Alas dos ng hapon ay ninakawang ng cellphone at pera ang nangungupahang sa taas ng bahay namin na si kuya nelson, sarado ang pinto,nakalock at pinagbibingtangan ang kuya ko samantalang mahimbing ang tulog niya ng mga oras na iyon, ang kapatid kong bunso ay tinawag ang nanay ko kasi pinapagising ni kuya nelson ang kuya pero hindi magawa ng bunso kong kapatid na gisingin ang kuya ko kasi takot at baka bugbugin siya ng kuya namin dahil ayaw niyang iniistorbu ang pagtulog, kung kaya tinawag niya ang nanay ko.

Tapos ng ginising ng nanay ko ang kuya ko ay pinagbibingtangan na sila at pinagmumura at kumuha ng mahabang kutsilyosi kuya nelson,tinutukang na kutsilyo ang nanay ko sabi ng nanay ko ''sige tuloy mo'' pero di niya magawa nang makita ng kuya ko agad siyang nag hahanap ng patalim o panghampas.Lumabas ang nanay ko at pinagmumura ang nanay ko at kuya ko tapos sinabing ''ang bibilis niyo at sanay na sanay kayong magnakaw at naibenta niyo agad'' sabi ni kuya nelson.Ang sabi naman ng kuya ay ''kung ganyan kayo ay mabuti pa na lumayas na kayo''

Pero nakita ng katabing unit namin at nagsalita na may nakita siyang matangkad na lalaki at naghahanap sa kanya pero wala siya kaya biglang pumasok ang lalaki sa bahay namin (bukas kasi ang bahay namin at sinira ang lock at nagnakaw, nasa labas ang nanay ko at ang kuya ko naman ay mahimbing ang tulog dahil pagod).Di niya kilala ang lalaki at napahiya siya at umalis. ang kuya ko naman ay nakahubad wala damit na pang-itaas at dali-daling pumunta sa bahay niya para kumuha ng patalim. Dumiretso naman sa barangay ang nanay ko para magpablatter pero naunahang na siya ni kuya nelson, ang nanay ko ay hindi pinapakinggan ng barangay (nagtataka nga ako bakit hindi siya pinakinggang)at iginigiit ng nagnakaw talaga ang nanay ko at ang kuya ko.

Umalis na lang ang nanay ko para puntahan ang kuya ko pero nagkasalubungan sila nakabike na ang kuya ko may kutsiyo na sa likod niya at pinatago ng nanay ko ang kutsiyo,bumalik sila sa barangay at para sabihin ang katotohanan,tinawag din ang kapitbahay namin na nakakita para tumistigo ang totoo maraming titistigo sa nanay ko,pero iginigiit talaga ang kuya't nanay ko na nagnakaw (sa dami-dami ng nangupahan sa taas namin magbuhat ng nov.2004 na makalipat kami ay pang-apat sila at hindi sa paninira ang totoo niya ang anak niya ang magnanakaw,simula ng timura sila ay nawawalang kami ng gamit at parang kami pa ang nangungupahan dahil sila may privacy pero kami wala open na open sa kanila dinadaanan lang kami.pero naaawa ako sa anak niyang babae kasi minsan ay binubugbug niya ito,at kaya nga siya nilayasan ng kanyang anak at nag-asawa na) tapos sa amin agad nabuntong ang galit niya.

Diba hindi tama yon kami na ang pinagbingtangan tapos ang nanay at ang kuya ko pa ang ipapakulong,ako naman ay pinapapasok kaya di ko matulungan ang nanay ko,pero tinulungan kaming kapitbahay namin na magpapablater at kung tutuusin siya ang dapat makulong kasi nagbangta at tinitukang ng kutsilyo ang nanay ko.Alam kong isang pagsubok ito para sa amin ng Panginoon.Ang totoo niya ay kailan man magbuhat na nakulong at namatay sa kulungan ang tatay ko ay nagsisikap ang kuya ko at nanay ko para sa pang-araw-araw at pang-baon namin.alam kong di kami pababayaan ng Diyos.

Sunday, August 22, 2010

Trip to BORACAY

Hindi ko akalain na makakapunta ako sa lugar na kung saan napakaganda at talagang mapapa-WOW Philippines ka kapag makita at mapuntahan mo ito. Napakasaya ko ng mapuntahan ko ito at maraming masasaya at isang pangyayari o experience ang hindi ko malilimutan.

Sa pagsakay pa lamang ng airplane ay i feel excitement at kinakabahan ako kasi first time ko pa lang sumakay ng airplane kala ko hanggang tingin na lang ako sa langit noon at nangangarap pero natupad na at ang saya-saya ko ng makita ko ang mga bahay,building at lahat ng nasa lupa ay nagmimistulang parang mga laruan lang.

At nung makarating na kami sa boracay ay maraming masasayang experiences ang naranasan ko tulad ng sumakay kami ng bangka o tinatawag nilang PARAW,tinuruang kami ng basic surfing, tinuruang din kaming maglaro ng freesbee at syempre ang hindi mawawala ay ang masasarap pagkain na talaga naman uulit-ulitin mo sa sobrang sarap.Talaga naman napakasaya ko ng mga araw na iyon.

Isa sa mga hindi ko malilimutan na nangyari sa aming ay ang pag-uwi namin, sa airplane na kung saan ay nakakatakot at talaga naman na ang nararamdaman namin ng mga kasamahan kong mga estudyante ay ang akala namin ay katapusan na namin,nagdadasal na nga ako kasi pagewang-gewang ang plane at sa tuwing tataas ito ay biglang babagsak sumasabay nga pati ang mga puso namin.

Natatakot na nga ako pero sa likod nung ay nagawa ko pang tumawa kasi naman si kuya glenn napapasigaw siya sa bawat pag bagsak ng plane ang hindi namin alam natural pala yun,ganon na pala yun.Kaya pala ang mga kasamahan o kasabay namin ay tahimik at parang wala lang sa kanila.At nung malapit na kami sa airport na kung saan ay maglalanding na ay bigla naman pumangit ang mukha ni emil at natatawa ako kasi nanghihingi siya sa aking ng plastic nung pasenyas lang yun pala nasusuka na siya akala ko nga sususkahan niya ako.

Paano nga pala ako nakapunta ng boracay?Ganito kasi yun, nung time na nagkaroon ng SOM o Student of the Month ang young focus at sumusuportahan naman WE International.Nagsimula ito noon july 2009 pumipili sila ng estudyante,isa sa college at isa sa highschool na nag-iimprove sa school,sa pag-aattend ng mga session at tutorial.Masuerte naman ako kasi ako ang kauna-unahang napili sa college at si emil naman sa highschool.Binigyan kami ng 500 gift certificate galing sa national bookstore at di lang yun kumain pa kami sa outback restaurant.

Tapos nag-karoon ng isang trip to boracay na sinuportahan naman ng we international at young focus at ang mga kasama ay ang mga SOM simula ng july hanggang december kung kaya ay masuerte at napakasaya ko nung time na iyon.Nagpapasalamat po ako sa we international at young focus sa opportunity na ibinigay para sa akin at sa amin .

Sunday, August 15, 2010

last minute

Last minute,madalas o siguro isa ito sa mga ugali ko at kasama na ang pagiging tamad, sa huli na talaga ako gumawa o talagang yung parang last second nalang ang natitira kaya ito rin ang dahilan ng pagbagsak ko sa subject na design I.Dahil noon kasagsagan ng bagyong ondoy na kung saan ay isang linggong walang pasok at nung time na yun ay dapat gumawa ako ng final exam namin sa design pero alam niyo ba kung ano ang ginawa ko.Nasa bahay lang namin ako at lumalabas kapag maglalaro ng basketball ng mga kaibigan ko at nung time din nyong ay tumulong kami sa paglinis at sa pagbigay ng relief goods sa mga nasalanta na bagyo.

Nang pasukan na at pasahan na ng final exam namin sa design ay wala ako naipasa bagkus nung pag-uwi ko ng bahay ay agad akong gumawa ng design na plano ng isang bungalow at nung pagpasok ko ng kinabukasan at nung ipapasa ko na ay hindi tinanggap kasi lumagpas na nang deadline pero tatanggaping lang kapag may certificate na baranggay na talagang binaha ni bagyang ondoy.Eh ako naman ay hindi naman binaha kaya wala akong ipapakitang certificate pero ang ibang classmate ko ay nagpagawa sa recto ng fake na certificate, ako hindi na kasi wala akong pera at saka lolokohin ko lang ang sarili ko kasalanan ko naman yun pagkatapos ng first sem. ang kinalabasan singko ako, bagsak tuloy kukunin ko sa susunod na sem .Isa malaking pagkakamali ito,sinayang ang taon at panahon.

At ngayon hahabul naman ako sa paggawa ng blog ko para makasama at magkaroon ng certificate pero hindi na ako aabot kung kaya pagsisisihan ko na ngayon.ika nga nila walang unang pagsisisi ito'y laging nasa huli, ako pagsisisihan ko na ngayon pero di pa naman huli pwede pang humabul.Sayang tuloy ang opportunity hindi ko makukuha siguro nga hindi ako deserving para dito. Ngayon palang ay nagpapasalamat ako sa bumubuo ng the junior chamber international at sa young focus na nagbigay sa aking ng dagdag kaalaman at oportunidad para sa akin.


Friday, August 13, 2010

malas! ang sunod sunod ng araw ko.

Napakamalas ko ngayon linggo na ito.Kasi naman ay sunod-sunod na di magandang at talagang naman minamalas ako nitong sunod-sunod na araw.Nagsimula ito nung lunes august 9, ng pumunta ako sa yf at nanghiram ako ng camera kay ate eloi pero sira ang flash kaya ang sabi ko ''wag na lang'' sabi naman niya hiramin mo na ''okey sige po''. Kung kaya'y nagmadali na akong umuwi kasi hindi pa ako tapos mag-review para sa midterm exam namin sa History of Architecture at tinawag ko na si ramil para umuwi na kami at hindi na maabutan ng ulan pero sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay biglang bumuhos ang ulan ''malas naman oh''. Nabasa tuloy kami ni ramil wala pa naman kami dalang payong.

Martes, hindi ako handa para sa aming exam, nung time na para mag exam sabi ko bala na kung hanggang saan na lang abutin.At nung nag test kami ay nawala ang mga ne-review ko at sa tingin ko ay 50-50 ako sa kalalabasan ng exam.Ng umuwi na ako at pagbaba ko ng jeep sa divisoria ay naiinis ako kasi sa tuwing hapon ay trapik na at ang mga tao ay natutupokan sa pagtawid at nagigigng dahilan ng trapik.


Wednesday, maaga akong pumasok dahil p.e namin ,naasar ako dahil nung pagbaba ko ng jeep ay naiwan ko ang towel ko, p.e ko pa naman at wala tuloy akong pamunas ng pawis. Pagdating ko sa school ay wala pa ang proffesor namin ang tagal namin naghitay isang oras na ang lumipas at may gumawa ng attendance at nagsi-alisan na ang mga classmate ko sa p.e ilang sandali lang ay dumating ang proffesor namin kala ko pa naman wala kaming klase.
Tanghali habang gumagawa ako ng assignmet namin sa visual ay nawala ang pencil case ko,nawalang tuloy ako ng unipen na 0.5 at dalawang steadtler na pencil kasi ang bag ko nasa likod ko di ko akalain mawawala at may kukuha nito.Ng uwian na ay mutik lang akong masagasaan ng isang van dahil parang inaantok na ako buti na lang ay nakatakbo ako.Ang malas ko talaga oh! tapos bukas ay midterm naman namin sa physics,calculus,at building materials,hindi na naman ako nakapag-review kasi sabay-sabay.

Huwebes, exam namin tapos hindi talaga ako nakapag-review kaya ang tingin ko sa exam ko ay mababa ang resulta kaya babawi na lang ako sa finals exam.pag-uwi ko ng bahay ay sumasakit ang ulo ko dahil sa sunod-sunod na exam at sigurado akong kalahati lang ang makukuha ko.nung uwian ng ay saktong P12 lang ang natira sa baon ko pamasahe na lamang, di ko akalain may swerte pa ako ng araw na ito biruin mo habang lumalakad ako papunta sa panglawang sakay ko pauwi ay nakakuha paako ng sampung piso.

Biyernes, paggising ko palang sa umaga ay masakit ang ulo ko at parang ayokong pumasok pero pinilit kong pumasok dahil baka exam din namin sa theory of architecture ,nang pumasok na ako ay wala naman kaming exam kundi binigay lang ang project namin para sa midterm exam.

Sunod-sunod talagang ang malas na naranasan ko habang paparating ang friday the thrirteen...........

Sunday, July 25, 2010

Ang Unang Trabahong Naranasan ko

Nitong nakaraan bakasyon ay isinama ako ng kuya ko sa kanyang trabaho at naranasan ko ng sumakay ng barko,hindi para magbakasyon sa ibang lugar,hindi rin para mamasyan kundi para magtrabaho.Sa barko na ang lamang ay produktong bigas,napakaraming bigas, ang ginagawa namin ay magbubuhat ng bigas, kapares ko ang kuya ko sa pagbubuhat ng 45 sakong bigas na ilalagay sa malaking net at bubuhatin naman ng machine ng barko at ilalapag at aayusin sa truck ng dalawang magpares na katrabaho namin, minsan sa barge kami naglalagay ng bigas. Kapag maraming truck mas malaki ang kita pero kapag knti ang truck na darating ay kunti lang din ang kikitain namin, piso isang sakong bigas.Noon una ay kinakabahan ako kasi ang makakasama ko ay matatanda at binatang malalaki ang katawan, nahihiya ako sa pangangatawan ko pero hindi naman dapat, kasi kung tutuusin kaya ko naman din ang ginagawa nila although nakakapagod at masakit nga lang sa braso nung una, sa tingin ko ayoko na kasi parang di ko kakayanin magdamag kaming nagtatrabaho( 24 hours at pag natapos na kami ay may grupo na papalit sa amin) tapos sunod-sunod ang truck na dumarating sabi naman ng kuya ko at mga kasamahan namin ''maganda nga yan para maraming kita''.Sabi ko naman sa kuya ko ''kuya, sumasakit na ang mga braso ko'' pero sabi naman niya okey lang yan parang lumaki naman ang katawan mo at huwag kang hihiga o matutulog kasi maya-maya lalong sasakit yan tiisin mo lang at masasanay din yan .

Noon una talagang nakakapagod at nahihiya ako pero nasanay na ako.kumikita kami ng P700 o higit pa kapag maraming truck pero kapag kunti P100 naman ang mababang kinikita namin.Noon pang-apat na salang ko sa trabahong ito ay pagpasok ko palang ay nagtanong ako sa kuya ko sabi ko sa kanya ''kuya sinong mga yan ''?, sabi niya naman ''mga mulawin yan'' naunang pumasok ang kuya ko at ako naman ay hinarang at tinanong ako ng mga mulawin,(mulawin ang tawag sa mga sundalong nagbabatay sa Makro) ''ilan taon ka na'' ?kinakabahan ako kung mag sasabi ako ng totoo o magsisinungaling ako pero ang sagot ko ay disisyete po.Ang sabi ng mulawin sa aking umupo ka muna dyan .hindi namalayang ng kuya ko na naiwan ako ininterview ako ng mga mulawin at nun umalis na ang mga mulawin ay ilang sandali lang bumalik na ang kuya ko at kumain muna kami ng almusal, dala ko kasi ang almusal namin tapos sinabi niya sakin na hihingi lang siya ng sulat sa kabo o gang boss namin at kapag di ka pa rin pinapasok ay umuwi ka na lang.At bumalik na sa barko ang kuya ko ,ako naman ay parang gusto ko na rin umuwi pero dumating na ang sulat at nakapasok na ako, kala ko talaga ay uuwi na ako.Menorde edad pa kasi ako at bawal kasi ako doon delikado may namatay na nadaganang ng birada o isang net na ang lamang ay 45 na sakong bigas, matangkad naman ako payat nga lang kaya napasin agad ng mulawin pero ganon pa man ay nakapag tabaho ako .

Mahigit isang buwan din bago matapos namin ang mahigit 3 story siguro yun na puro bigas.At ito ang unang trabaho na naranasan ko mahirap ,nakakapagod ,at delikado ngunit ganon pa man ay nakaipon din ako ng pera at nakatulog ako sa nanay ko .Marami akong naranas sa trabaho yan lalo na kapag umuulan ay di kami makakapagtrabaho at wala kaming kikitain.minsan nga may nag-away at muntikan ng magkapatayan dahil lang sa kanilang pag susugal ,nagsususgal sila kapag walang mga truck babale kay kabo at magsusugal.one time nga ako lang ang mag isa sa malaking kuarto na puro bigas habang nakahiga ako ,nagpapahinga at nagbabasa na libro na dinadala ko habang naghihintay ng truck ay bigla may narinig akong ring tone ,yun pala may cellphone doon malapit lang sa hinigaan ko pinatanong ko sa kuya ko kung may may-ari pero sabi niya wala naman at sa palagay ko naiwan yun ng kapalitan namin ang swerte ko nga kahit di mataas ang unit okey lang at least may cellphone na ko.Masayang masaya ako sa trabahong yun kahit na nakakapagod,at feeling ko parang lagi akong puyat sa trabahong ito ay nakatulong sa aking ito.At ito ang aking unang trabahong naranasan sa buhay ko .

Saturday, July 17, 2010

brown envelope

Have you been experienced being oblivious? if not..here's my story, it happened 2009 and it was a vacation. when we were go to different school's to inquired and to take entrance exam.With staff's of young focus kuya mark and ate joi and with other incoming first year student.
The first school that we went was Eulogio 'Amang' Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) but it was closed and the guard says to us ''you just come back tommorow'' and then we ride a bus to went in other school ,but we were standing becuase the bus was very full and because im tired holding my brown envelop(inside the envelop our requirements for school like birth certificate,good moral ,school card and john gorge too.) ,i laid it in the bagger.
Until the other passenger was get out and then we seat in the vacant chair then when we get out in the bus, i am the first one to get out and when all were get out, i suddenly remember my brown envelop which i left on the bus,but the door bus was closed and we tried to followed it,suddenly i stop because i loose pants so i do not travel very well but john gorge continues to chase the bus and i returned to kuya mark and to other incoming first year student but kuya mark says '' we will follow the bus and you wait for us''.
And then me and kuya mark were follow the bus until we knew the next route of the bus .And we go back to ate joi and to my fellow student, i ashamed to the staff's and to my fellow student because i broken the day and i've been waiting for them so nothing happened to us.Kuya mark says ''lets go! its time to lunch ,and im tired to chasing the bus,edmon! after some time you can get your envelop and john mark will guild you to get your envelope''. After we ate lunch, me and jonh mark go to the Quiapo to met the operator that we called and then we get my envelope.
I think this is my bad experience for me and i have learned..