Sunday, August 22, 2010

Trip to BORACAY

Hindi ko akalain na makakapunta ako sa lugar na kung saan napakaganda at talagang mapapa-WOW Philippines ka kapag makita at mapuntahan mo ito. Napakasaya ko ng mapuntahan ko ito at maraming masasaya at isang pangyayari o experience ang hindi ko malilimutan.

Sa pagsakay pa lamang ng airplane ay i feel excitement at kinakabahan ako kasi first time ko pa lang sumakay ng airplane kala ko hanggang tingin na lang ako sa langit noon at nangangarap pero natupad na at ang saya-saya ko ng makita ko ang mga bahay,building at lahat ng nasa lupa ay nagmimistulang parang mga laruan lang.

At nung makarating na kami sa boracay ay maraming masasayang experiences ang naranasan ko tulad ng sumakay kami ng bangka o tinatawag nilang PARAW,tinuruang kami ng basic surfing, tinuruang din kaming maglaro ng freesbee at syempre ang hindi mawawala ay ang masasarap pagkain na talaga naman uulit-ulitin mo sa sobrang sarap.Talaga naman napakasaya ko ng mga araw na iyon.

Isa sa mga hindi ko malilimutan na nangyari sa aming ay ang pag-uwi namin, sa airplane na kung saan ay nakakatakot at talaga naman na ang nararamdaman namin ng mga kasamahan kong mga estudyante ay ang akala namin ay katapusan na namin,nagdadasal na nga ako kasi pagewang-gewang ang plane at sa tuwing tataas ito ay biglang babagsak sumasabay nga pati ang mga puso namin.

Natatakot na nga ako pero sa likod nung ay nagawa ko pang tumawa kasi naman si kuya glenn napapasigaw siya sa bawat pag bagsak ng plane ang hindi namin alam natural pala yun,ganon na pala yun.Kaya pala ang mga kasamahan o kasabay namin ay tahimik at parang wala lang sa kanila.At nung malapit na kami sa airport na kung saan ay maglalanding na ay bigla naman pumangit ang mukha ni emil at natatawa ako kasi nanghihingi siya sa aking ng plastic nung pasenyas lang yun pala nasusuka na siya akala ko nga sususkahan niya ako.

Paano nga pala ako nakapunta ng boracay?Ganito kasi yun, nung time na nagkaroon ng SOM o Student of the Month ang young focus at sumusuportahan naman WE International.Nagsimula ito noon july 2009 pumipili sila ng estudyante,isa sa college at isa sa highschool na nag-iimprove sa school,sa pag-aattend ng mga session at tutorial.Masuerte naman ako kasi ako ang kauna-unahang napili sa college at si emil naman sa highschool.Binigyan kami ng 500 gift certificate galing sa national bookstore at di lang yun kumain pa kami sa outback restaurant.

Tapos nag-karoon ng isang trip to boracay na sinuportahan naman ng we international at young focus at ang mga kasama ay ang mga SOM simula ng july hanggang december kung kaya ay masuerte at napakasaya ko nung time na iyon.Nagpapasalamat po ako sa we international at young focus sa opportunity na ibinigay para sa akin at sa amin .

Sunday, August 15, 2010

last minute

Last minute,madalas o siguro isa ito sa mga ugali ko at kasama na ang pagiging tamad, sa huli na talaga ako gumawa o talagang yung parang last second nalang ang natitira kaya ito rin ang dahilan ng pagbagsak ko sa subject na design I.Dahil noon kasagsagan ng bagyong ondoy na kung saan ay isang linggong walang pasok at nung time na yun ay dapat gumawa ako ng final exam namin sa design pero alam niyo ba kung ano ang ginawa ko.Nasa bahay lang namin ako at lumalabas kapag maglalaro ng basketball ng mga kaibigan ko at nung time din nyong ay tumulong kami sa paglinis at sa pagbigay ng relief goods sa mga nasalanta na bagyo.

Nang pasukan na at pasahan na ng final exam namin sa design ay wala ako naipasa bagkus nung pag-uwi ko ng bahay ay agad akong gumawa ng design na plano ng isang bungalow at nung pagpasok ko ng kinabukasan at nung ipapasa ko na ay hindi tinanggap kasi lumagpas na nang deadline pero tatanggaping lang kapag may certificate na baranggay na talagang binaha ni bagyang ondoy.Eh ako naman ay hindi naman binaha kaya wala akong ipapakitang certificate pero ang ibang classmate ko ay nagpagawa sa recto ng fake na certificate, ako hindi na kasi wala akong pera at saka lolokohin ko lang ang sarili ko kasalanan ko naman yun pagkatapos ng first sem. ang kinalabasan singko ako, bagsak tuloy kukunin ko sa susunod na sem .Isa malaking pagkakamali ito,sinayang ang taon at panahon.

At ngayon hahabul naman ako sa paggawa ng blog ko para makasama at magkaroon ng certificate pero hindi na ako aabot kung kaya pagsisisihan ko na ngayon.ika nga nila walang unang pagsisisi ito'y laging nasa huli, ako pagsisisihan ko na ngayon pero di pa naman huli pwede pang humabul.Sayang tuloy ang opportunity hindi ko makukuha siguro nga hindi ako deserving para dito. Ngayon palang ay nagpapasalamat ako sa bumubuo ng the junior chamber international at sa young focus na nagbigay sa aking ng dagdag kaalaman at oportunidad para sa akin.


Friday, August 13, 2010

malas! ang sunod sunod ng araw ko.

Napakamalas ko ngayon linggo na ito.Kasi naman ay sunod-sunod na di magandang at talagang naman minamalas ako nitong sunod-sunod na araw.Nagsimula ito nung lunes august 9, ng pumunta ako sa yf at nanghiram ako ng camera kay ate eloi pero sira ang flash kaya ang sabi ko ''wag na lang'' sabi naman niya hiramin mo na ''okey sige po''. Kung kaya'y nagmadali na akong umuwi kasi hindi pa ako tapos mag-review para sa midterm exam namin sa History of Architecture at tinawag ko na si ramil para umuwi na kami at hindi na maabutan ng ulan pero sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay biglang bumuhos ang ulan ''malas naman oh''. Nabasa tuloy kami ni ramil wala pa naman kami dalang payong.

Martes, hindi ako handa para sa aming exam, nung time na para mag exam sabi ko bala na kung hanggang saan na lang abutin.At nung nag test kami ay nawala ang mga ne-review ko at sa tingin ko ay 50-50 ako sa kalalabasan ng exam.Ng umuwi na ako at pagbaba ko ng jeep sa divisoria ay naiinis ako kasi sa tuwing hapon ay trapik na at ang mga tao ay natutupokan sa pagtawid at nagigigng dahilan ng trapik.


Wednesday, maaga akong pumasok dahil p.e namin ,naasar ako dahil nung pagbaba ko ng jeep ay naiwan ko ang towel ko, p.e ko pa naman at wala tuloy akong pamunas ng pawis. Pagdating ko sa school ay wala pa ang proffesor namin ang tagal namin naghitay isang oras na ang lumipas at may gumawa ng attendance at nagsi-alisan na ang mga classmate ko sa p.e ilang sandali lang ay dumating ang proffesor namin kala ko pa naman wala kaming klase.
Tanghali habang gumagawa ako ng assignmet namin sa visual ay nawala ang pencil case ko,nawalang tuloy ako ng unipen na 0.5 at dalawang steadtler na pencil kasi ang bag ko nasa likod ko di ko akalain mawawala at may kukuha nito.Ng uwian na ay mutik lang akong masagasaan ng isang van dahil parang inaantok na ako buti na lang ay nakatakbo ako.Ang malas ko talaga oh! tapos bukas ay midterm naman namin sa physics,calculus,at building materials,hindi na naman ako nakapag-review kasi sabay-sabay.

Huwebes, exam namin tapos hindi talaga ako nakapag-review kaya ang tingin ko sa exam ko ay mababa ang resulta kaya babawi na lang ako sa finals exam.pag-uwi ko ng bahay ay sumasakit ang ulo ko dahil sa sunod-sunod na exam at sigurado akong kalahati lang ang makukuha ko.nung uwian ng ay saktong P12 lang ang natira sa baon ko pamasahe na lamang, di ko akalain may swerte pa ako ng araw na ito biruin mo habang lumalakad ako papunta sa panglawang sakay ko pauwi ay nakakuha paako ng sampung piso.

Biyernes, paggising ko palang sa umaga ay masakit ang ulo ko at parang ayokong pumasok pero pinilit kong pumasok dahil baka exam din namin sa theory of architecture ,nang pumasok na ako ay wala naman kaming exam kundi binigay lang ang project namin para sa midterm exam.

Sunod-sunod talagang ang malas na naranasan ko habang paparating ang friday the thrirteen...........